Una sa Balita

Aaron Villaflor nag-donate ng dugo sa matandang pasyente

0 282

Pinahanga ni Aaron Villaflor ang mga supporter, fan niya sa Instagram nang mag-post ng larawan sa ospital habang nasa tabi siya ng isang matandang babae na nakaratay sa kama.

Ang nasabing post ay para ipaalam sa kanyang mga follower na nag-donate siya ng sarili niyang dugo sa pasyente. Ang ikinabilib ng netizen sa ginawang tulong ni Aaron ay ang walang alinlangan niyang pagsugod sa Cardinal Santos matapos niyang malamang nangangailangan ng blood donor ang pasyente.

“So, yesterday, I randomly received a message from a family asking for a blood donation for their mother who’s sick. (Her hemoglobin is low). No second thoughts, I went straight to Cardinal Santos, dahil alam ko ang pakiramdam ng pamilyang nangangailangan, and I would much willing to extend my help. Praying for your fast recovery,” sabi ni Aaron.

Sa parehong post mapapanood ang blood extraction mula sa braso ng Kapamilya actor papuntang blood pack.

Ilan sa mga artistang hindi nag-aatubiling mag-donate ng kanilang dugo ay sina Angel Locsin at Enchong Dee para naman sa Red Cross.

Ganda ni Mela ‘di minana kay Melai

Aminado si Melai Cantiveros na walang gandang namana ang kanyang panganay sa kanya. Pinost ni Melai ang larawan ng anak nila ni Jason Francisco na si Mela.

Napakaganda ng bata at isa itong potensyal na maging isa ring artista gaya ng mga magulang niya.

Kahit may hawig si Melai sa ilang facial features ng anak, diretsahan niyang sinasabi sa hashtag na hindi nagmana sa kanya ang kagandahan ng bata.

“Aming maganda na ate @atemelafrancisco, flex ko lang kasi proud momshie ako. #gandangdisaakinnamana #hahahaha,” sabi ni Melai.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More