Una sa Balita

Aarestuhing ASG sub-leader todas

0 199

UTAS ang itinuturong sub-lea­der ng Abu Sayyaf Group (ASG) nang manlaban at makipagbarilan sa mga sundalo na magsisilbi sana sa kanya ng warrant of arrest Lunes nang madaling-araw sa Lantawan, Basilan.

Kinilala ni Brig. General Fernando Reyeg, commander ng Joint Task Force (JTF) Basilan ang napatay na suspek na si Arod Wahing, sub-leader ng ASG na in-charge umano sa operasyon sa Sulu sa ilalim ni top leader Radu­lan Sahiron.

Ayon kay Reyeg, dakong alas-3:25 nang madaling-araw nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng JTF Basilan sa Brgy. Parian Baunoh sa nabatid na bayan upang arestuhin si Wahing.

Subalit hindi pa umano nakakalapit ang mga sundalo sa bahay nito ay agad na silang pinaputukan gamit ang kalib­re .45 kaya naman gumanti rin sila ng putok na nagresulta sa pagkamatay ni Wahing.­ ­(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy