Una sa Balita

Aapaw ng multa, suspensiyon kina Paul, Rondo at Ingram

By
0 527

NAKAAMBA ang multa at suspensiyon kina Rajon Rondo at Brandon Ingram ng Los Angeles Lakers, at kay Chris Paul ng Houston dahil sa naging parte sa kaguluhang sumiklab sa ikaapat na yugto ng 124-115 win ng Rockets sa Staples Center Sabado nang gabi.

Ang dedesisyunan na lang ng NBA, pagkatapos ng review, ay kung ilang laro ang suspension.

Halos sigurado na rin na pagmumultahin ang tatlo. Inaasahang aabot sa halos 400k multa at multi-game suspension ang magiging parusa.

Abante Hiring – IT dep

Pinakamalaki ang nakatayang multa kay Chris Paul ($245,891) habang kay Rondo ay $62,069 at Brandon Ingram ($50,107).

Mas malamang si Ingram ang may pinakama­laki.

Dinuro ni Paul si Rondo, umigkas ang left hook ni Rondo at gumanti si Paul. Mula sa kabilang dulo, tumakbo sa gulo si Ingram at nanapak din.

Bago ang sapakan, natawagan ng technical foul si Ingram nang itulak mula sa likod si James Harden ng Rockets pagkatapos maipasok ang drive.

“Based on prior incidents, it would be surprised if it’s anything more than a 1 game suspension for those involved in the LAL/HOU skirmish,” tweet ni Bobby Marks (@BobbyMarks42), NBA Front Office Insider ng ESPN.