Una sa Balita

‘AA Cobra GameFarm’ ni Atong Ang susubukan

By
0 872

Handa na ring masubukan ang isa sa malulupit na sabungero sa Pilipinas na si Charlie “Atong” Ang.

Naghayag ng paglahok si Ang sa prestihiyosong 2018 World PitMasters Cup 9-Stag International Derby upang makipagsabayan sa ibang tigasing sabungero.

Ibabandera ni Ang ang entry name na AA Cobra GameFarm paglarga ng nasabing event sa Setyembre 20 sa NewPort Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

Sa mga nagdaang malalaking derby, umugong si Ang dahil sa ipinakitang performance ng kanyang mga manok-panabong.

Kaya inaasahang magiging markado si Ang habang papalapit ang araw ng pupugan.

Ang ibang nagsabi ng pagsali ay sina Rhona Bullecer na may entry name na Mam Rhona, Engr. Celso Salazar (TigerShark GameFarm) at Eric Dela Rosa (Diego-EDR GameFarm).

Tatagal ng 10 araw ang siyapolan kaya matira-matibay ang magiging bakbakan.