Una sa Balita

‘A’ credit rating puntirya ni Duterte

0 509

Determinado diumano si Pangulong Rodrigo Duterte na makamit ng bansa ang ‘A’ credit rating.

Sa tingin ni Albay Rep. Joey Salceda ay hindi ito imposible dahil sa mabisang ugnayan ng Malacañang at Kongreso para sa mga repormang lalong magpapabilis sa pagsulong ng pambansang ekonomiya.

Ayon kay Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, kasama rito ang mga amyenda sa 83-taong Public Service Act, malalaki at mahahalagang imprastruktura, mabilis na internet, mababang gastos sa kuryente, pinadaling sistema ng mga transaksyon, at reporma sa buwis.

Ang pagkakaroon ng ‘A’ credit ay mangangahulugan ng magandang kapaligiran sa pamumuhunan, paglago ng ekonomiya at magandang buhay para sa mga Pilipino, paliwanag ng konresista.

Dahil sa mga nauna nang mga reporma upang itaas ng Standard and Poor ang credit rating ng Pi­lipinas sa BBB+ mula BBB, na nagpapahiwatig ng malakas na tiwala sa repormang agenda ng Pangulo. Kasama rito ang TRAIN 2 TRABAHO bill na tinatawag na ngayong ‘Corporate Income Tax and Incentives Reform Act’ o CITIRA na ginawang prayo­ridad at tiyak na papasa sa Kongreso.

Layunin ng CITIRA na unang akda ni Salceda na bawasan ang corporate income tax sa 20% mula 30% hanggang 2029, o 2% kada taon. Ganun man, lilikha ito ng 1.4 milyong trabaho sa loob ng 10 taon din.

Anang mambabatas, ang CITIRA ay pangala­wang malawakang reporma sa buwis na magpapa­lakas sa pribadong sektor para ang bansa ay makasabay sa masisiglang ekonomiya sa mundo.

Bagama’t ibababa nito ang corporate income tax rate, babaguhin naman nito ang sistema sa pagbibigay ng akmang insentibo sa mga kompanyang lumilikha ng mga kapaki-pakinabang na trabaho, nagsasanay sa mga tauhan nila, gumagasta sa research at teknolohiya, namumuhunan sa less developed na mga lugar, at umaakit sa pribadong sektor na mag-ambag para sa kapakanan ng kabataan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy