Una sa Balita

9th MPDPC badminton tournament tagumpay

0 4,588

NAGING matagumpay ang katatapos lang na 9th MPDPC badminton tournament sa MPD Badminton Court kahapon.

Kabuuang 16 na team mula sa iba’t ibang media entity, kagawad ng PNP, estudyante at negosyan­te ang lumahok sa pala­rong badminton ng mga mamamahayag sa MPD.

Ayon kay Mer Layson, presidente ng MPDPC, “Kung Isports ang kagigiliwan ay magkakaroon ng malusog na kaisipan at pangangatawan.”
Sina MPD Director P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, 2nd District Congressman Carlo Lopez, NPC Sec. Lydia Bueno at National Press Club President Paul Gutierrez ang siyang nagsilbing ‘ceremonial toss’ sa palaro.

Nag-champion ang team ni P/Supt. Marcelino Pedrozo na sina King Espiritu, Cris Sanchez, Beth Pulido, Lea Inlayo at Ann Maranon, nasungkit naman ng Team Alpha ang 1st Runner Up na sina John Greg Paz, Joed Reyes, Arci Balaquit, Tin Papura, Pat Barredo, Jek-Jek de Mateo habang 2nd Runner ang Adamson-Percy Team na sina Samue­l Tangpus, Jerico Ocampo, Justin Ocampo, Patricia Macahilig, Ivy Plata at Gabrielle Ann Ainza.

Malugod na nagpapasalamat ang MPDPC sa lahat ng naging sponsor ng palaro sa pangu­nguna ng Philippine Gaming Corporation (Pagcor), Dir. Antonio Goitia ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), Sec. Alan Peter Cayetano ng Department of Foreign Affairs (DFA), Postmaster Gen. Joel Otarra ng Phi­lippine Postal Corporation (PHLpost), Dir. Jig Coronel ng Manila Police District (MPD), Dir. Guil­lermo Eleazar ng Region 4-A, Dir. Reynaldo Biay ng Eastern Police District (EPD), Rep. Carlo Lopez, Usec. Benny Antiporda ng DENR, NPC President Paul Paul M Gutierrez, Tita Rosemarie Lara at iba pa.