Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

9M target sa nationwide turukan `di inabot

0 123

Bigong maabot ng gobyerno ang target na mabakunahan ang siyam na milyong Pilipino sa inilargang tatlong araw na National Vaccination Day na isinagawa nitong Nobyembre 29, 30 at Disyembre 1.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na siya ring chairperson ng National Vaccination Operations Center (NVOC), nakapagtala sila ng kabuuang 7,628,728 sa tatlong araw na Bayanihan Bakunahan.

Pero hindi pa aniya pinal ang naturang bilang dahil patuloy pa ang pagtanggap nila ng mga datos mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Batas aniya sa datos, sinabi ni Cabotaje na mayroon pang 21 milyong Pilipino ang hindi pa nabakunahan sa buong bansa na dapat mabigyan ng proteksiyon laban sa mabagsik na coronavirus. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.