Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

9M lang! NTF tiklop sa 15M target sa 3 araw na turukan

0 113

Nagbawas ang gobyerno ng target na bilang ng mabakunahan laban sa COVID-19 sa ikakasang tatlong araw na National Vaccination Days.

Sa joint statement, sinabi ng National Task Force Against COVID-19 at National Vaccination Operations Center na mula sa 15 milyon, ibi­naba sa siyam na mil­yong katao ang puntir­yang mabakunahan.

Ito ay bunsod ng pagka-delay sa biniling mga hiringgilya sa UNICEF na nagkakaroon ng shortage sa buong mundo.

Iginiit rin ng NTF na masusundan ang tatlong araw na National Vaccination Day at gaganapin ito sa Disyembre 15 hanggang 17.

Ang hakbang ng pamahalaan ay upang maabot ang target na 54 milyon bakunadong Pilipino bago matapos ang taon. (Issa Santiago/Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.