Una sa Balita

973 hayop pinatay sa ASF sa Laos

0 230

NAKAPAGTALA ang bansang Laos ng ilang kaso ng African swine fever (ASF), dahilan para ideklara ang outbreak sa Saravane, ayon sa Paris-based World Organization for Animal Health (OIE).

Pitong outbreak ng ASF sa Saravane ang kinumpirma ng Laos Agriculture ministry na nagtulak sa kamatayan ng may 973 hayop.

Ang nasabing sakit na wala pa ring natutuklasang gamot pero walang hatid na panganib sa tao ay mabilis na kumalat sa China noong Agosto nakaraang taon at ngayong taon naman sa Vietnam.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy