Una sa Balita

95th NCAA: Batiller Player of the Week

0 194

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
12:00nn — JRU vs Perpetual (Men)
2:00pm — LPU vs SSC-R (Men)
4:00pm — Letran vs EAC (Men)

NATISOD sa unang laro pero bumangon agad ang Letran Knights upang tuhugin ang three-game winning streak, malaki ang inambag ni Bonbon Batiller.

Hawak ang 3-1 karta, muling huhugot ng puwersa ang Intramuros-based squad Knights kay graduating point guard Batiller pagharap nila sa Emilio Aguinaldo College Generals sa 95th NCAA basketball tournament.

Magsisimula ang kanilang banatan alas-kuwatro nang hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Galing sa pagpapagaling ng kanyang shoulder surgery, nagpakitang-gilas si Batiller sa huling dalawang panalo ng Letran kaya naman nakalapit sila nang bahagya sa tuktok.

At dahil sa ipinakitang tikas, nahirang siyang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week.

Tumikada si Batiller ng 14 points sa panalo ng Knights sa Jose Rizal University Heavy Bombers, 55-43 noong Martes at makalipas ang tatlong araw ay nangamada naman siya ng 22 para akbayan ang koponan sa 82-80 panalo kontra Perpetual Help Altas.

“Para sa akin, si coach Bonnie, (Tan) talagang ‘yung mga leaders, china-challenge niya. Talagang kaila­ngan naming mag-step up,” hayag ni Batiller. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy