Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

95K Bicolano hinagupit ni ‘Quinta’

0 126

Apektado ang 25,287 pamilya o 95,859 indibiduwal na napilitang lumikas sa Bicol region dahil sa bagyong Quinta, Linggo ng gabi.??

Batay sa Office ofthe Civil Defense, 10,231 katao mula sa Albay ang in-evacuate dahil sa bagyo, sunod naman sa may maraming pinalikas ay mula sa Sorsogon na may 7,446, Catanduanes na may 3,309 at Masbate na may 2,929.

Samantala, nasa 71,165 na residente ng Camarines Sur naman ang kinailangan pasilungin sa mga evacuation site,ayon kay provincial disaster risk reduction and management office spokesperson Estel Estropia.

SM food to go Banner Ad

Unang nag-landfall ang bagyo sa San Miguel Island, Tabaco City, Albay ng alas-6:10 ng gabi, at sumunod sa bayan ng Malinao ng alas-6:50 ng gabi.

Ilang oras bago ang landfall ay nawalan ng kuryente sa Albay province.

Samantala, 569 na pasahero; 266 trak; walong sasakyan; 42 sasakyang pandagat at dalawang motorized banca ang na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa Bicol dahil sa bagsik ng Baguio. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.