95 gov, mayor sabit sa pambababoy sa Manila Bay

By
0 693

AABOT umano sa 95 local government units (LGUs) sa paligid ng Manila Bay, ang hindi umano nakakatugon sa environmental laws.

Ito ang ibinunyag ni Interior Secretary Eduar­do Año kung saan 95 LGUs o 53% sa may 178 LGUs.

Sa naturang bilang 56 LGUs ang nasa Central Luzon, 37 sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), at dalawa sa National Capital Region (NCR).

Ang naturang bilang ay ibinase ng DILG sa 2018 Regional Inter-Agency Committee ta­ble assessments at sa isinagawang on-site ins­pections.

Nalaman na 16 LGUS ang may pinakamaraming problema at sila ang bibigyang prayoridad ng DILG sa ipagkakaloob na tulong.

Kaugnay nito, binalaan rin ni Año ang mga LGU na hindi makiki­pagkooperasyon sa gagawing rehabilitasyon ng Manila Bay.

Maari din sampahan ng kaso sa Ombudsman o irekomenda na ma­bigyan ng parusa kung kinakailangan.

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...