Una sa Balita

94K bata sa Mindanao binakunahan kontra polio

0 233

UMAABOT sa 94,014 kabataan mula sa Mindanao ang nabigyan ng libreng bakuna mula sa Philippine Red Cross (PRC) kasabay ng programang Sabayang ­Patak Kontra Polio para sa mga batang may edad hanggang limang taong gulang.

Ayon sa report ng PRC, nasa third round na sila ng vaccination program sa Mindanao na sinimulan noong Enero 20 at magtatapos hanggang Pebrero 2 habang sa National Capital Region (NCR) ay sinimulan ang kampanya noong Enero 27 at magtatapos hanggang Pebrero 7.

Nasa 1000 trained PRC volunteer at staff ang nakiisa sa mass immunization na ­hinati sa apat na grupo na ­binubuo ng Leader, ­Vaccinator, Recorder at Health Educator/­Hygiene Promoter.

“Our target ­number for the children to be vaccinated this year is 60,000 and as ­expected, the numbers exceeded anew. PRC wants your children to be safe. Vaccine is the most effective way to prevent polio since there are new cases ­recorded by the Department of Health,” ayon kay PRC Chairman and CEO Richard Gordon.

Layunin ng PRC na maisalba sa pamamagitan ng pagbabakuna ang kabataan na naapektuhan ng Bagyong Tisoy at Ursula, at ang mga nasa Taal ­Operation. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More