Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

94-anyos dad ni Angel matikas pa sa harmonica

0 224

Sa kabila ng edad nitong 94 ay tila wala pa ring kupas ang talento ng tatay ni Angel Locsin na si Angelo Colmenares pagdating sa pagtugtog ng harmonica.

Patunay nito, ibinida ni Angel sa kanyang Instagram post ang pagtugtog ng kanyang ama sa awiting ‘Auld Lang Syne’.

Ang pagtugtog ni Colmenares sa naturang awitin ay kasabay sa pagsalubong nila Angel sa Bagong Taon.

Related Posts

Matatandaang nitong Setyembre ay nagpositibo pa sa COVID ang ama ng aktres.

Samantala, sa iba pang New Year post ni Angel ay masaya nitong sinalubong ang unang Bagong Taon kasama ang asawang si Neil Arce. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.