Una sa Balita

93,242 tigas-ulo sa ECQ inaresto

0 620

Umaabot na sa mahigit 93,000 ang nahuling lumabag sa loob ng 22-araw ng enhanced community quarantine (ECQ) protocols, ayon sa ulat ng Joint Task Force Corona Virus Shield (JTF CV Shield) kahapon.

Base sa datos na inilabas ni JTF CV Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, umaabot na sa 93,242 indibiduwal ang binalaan, inaresto at pinagmulta dahil sa paglabag sa umiiral na quarantine protocol.

Sa nasabing bilang, aabot sa 66,063 ang hinuli ng pulisya pero pinagsabihan muna at saka pinalaya, habang 22,787 ang inaresto, 4,392 naman ang ikinulong at pinagpiyansa dahil sa paglabag sa ECQ protocols.

Ang JTF CV Shield ay binubuo ng pulisya at sundalo na nagmamando sa mga checkpoints sa luzonwide ECQ.

Samantala umaabot naman sa 657 katao na ang inaresto ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pagbebenta ng overpriced na medical supplies sa Metro Manila at ibat-ibang lugar sa Luzon na nananamantala sa panahon ng crisis sa Pandemic na COVID-19. (Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More