Una sa Balita

$930K alahas ng Saudi princess, ninenok sa Ritz hotel

0 576

Nagreklamo sa mga pulis ng Paris ang isang prinsesa ng Saudi Arabia matapos manakaw ang mga alahas nitong nagkakahalaga ng 800,000 euros o $930,000 mula sa kanyang suite sa Ritz hotel.

Ang biktima na hindi muna pinangalanan, ay sinasabing nawalan ng mga alahas noong Biyernes nang hapon. Walang indikasyon na puwersahang pinasok ang pinto ng suite ng prinsesa.

Tahimik naman ang management ng Ritz sa guest nilang nanakawan sa luxury hotel.

Abante Hiring – IT dep

Talamak ang nakawan sa France kung saan kabilang sa nabiktima ay ang TV reality TV star na si Kim Kardashian na ninakawan ng milyong halaga ng alahas malapit din sa Ritz hotel.

Noong Enero 2018, pinasok ng mga kawatan ang lobby ng nasabing hotel at ninakaw ang milyon-milyong halaga ng necklace at iba pang alahas na naka-display sa eskaparate.

Nabawi naman ang lahat ng ninakaw na alahas matapos mahulog ng lalaki ang bag sa pagmamadali na tumakas sa crime scene.