Una sa Balita

92 panabong na manok sinentensyahan ng kamatayan, ipinakain sa mga pulis sa Cambodia

By
0 1,699

Sa halip na parusahan ang mga taong nahuli sa iligal na sabong, kinatay na lamang ng mga pulis ang 92 panabong na manok upang kanilang makain.

Ang mga manok ay kinumpiska ng pulisya sa isinagawang raid sa dalawang tupada noong Disyembre 4, kung saan marami ring sabungero ang inaresto kabilang na ang pamangkin ni premier Hun Sen na si Thai Phany.

Si Phany, isang Cambodian-Australian citizen, ay kinasuhan sa pagpapatakbo ng tupada subalit nakalaya rin kasama ang iba pang inaresto.

Ipinag-utos naman ng korte na patayin na lamang ang nasakoteng 92 tandang kung kaya’t marami ang umalma dahil ang mga manok ang pinatawan ng ‘death penalty’ at hindi ang mga sabungero.

“The court’s achievement by the end of 2017: death sentence for 92 fighting cocks,” litanya ng isang mamamayan sa kaniyang post sa Facebook.

Kinumpirma ni Roeun Nara, deputy police chief ng Kandal province, na ang mga manok ay ipinapatay sa utos ng korte at ipinakain niya sa kaniyang mga tauhang pulis.