Una sa Balita

91% ni PDU30, hanggang kelan?

0 123

Mahirap tapatan ang trust rating ni Pangu­long Rodrigo ‘Digong’ Duterte na pumapalo sa 91%. Mas mataas ito kaysa dating record-holder na si dating Pa­ngulong Noynoy Aquino.

Pero ang tanong: hanggang kelan mapapa­natili ang mataas na grado ng bagong Pangulo o kung kaya ba nitong ma-maintain ang mataas na marka hanggang ‘finals’ ng panunungkulan nito? Na nagawa ni PNoy sa kanyang ‘exit rating’.

Ayon kay Prof. ­Ramon Casiple, isang poli­tical analyst, nakadepende ang grado ni Pangulong Digong kung ano ang magiging performance nito hanggang sa dulo.

“Mahirap tapatan ‘yun mas mataas ‘yun kaysa kay Noynoy. Depende ‘yan sa performance kasi may expectation na napakataas.

May mga hinahanap na resulta kaagad so ang 91 (%) na ‘yan ay ratings ‘yan ng expectation.

So kung mayroong mga disappointment d’yan later on, bababa ‘yan. Pero kung maganda ang performance n’ya mame-maintain n’ya ‘yan o baka tumaas pa,” ayon kay Casiple.

Binanggit din nito na para hindi magsisi si Pa­ngulong Digong ay kaila­ngang pagsikapan nitong tuparin ang timeframe na ibinigay sa kanyang sarili.

Malaking bentahe rin, ayon pa kay Casiple, ang popularidad na inaani ni Duterte ay ang kampanya­ nito laban sa bawal na gamot.

“Saka siguro ‘yung initial impact ng anti-drug campaign n’ya e ‘yung phenomenon ng napaka­raming nagsu-surrender nagkakaubusan tayo ng mga rehab centers mga ganyan hindi natin problema ‘yan. Well noble problem ‘yan pero tingnan natin kung paano haharapin.

Pero may impact talaga ‘yung campaign sa level ng community at saka sa mga pamilya.”

Sa SONA ay mala­king impact umano ang mataas na rating ni PDU30 pero hindi lang sa anti-criminality campaign nakasalalay ang mga pagbabago kaya talaga namang inaabangan ng sambayanan kung ano ang nilalaman ng SONA ng Pangulo.

“‘Pag sinabi niya gagawin n’ya. ‘Yan ang hinihintay ng mga tao at obviously nag-click ‘yan pati ‘yung mga skeptical na may pagbabago ng isip ay pumanig din sa kanya.”

“Kaya mahalaga ring tingnan ‘yung performance n’ya hindi lang sa peace and order pero anti-poverty, corruption, job creation ‘yan naman talaga ang problema ng mahihirap ‘yung trabaho tsaka paano mabuhay sa day-to-day so may tiwala sa kanya overall kaya interesting din ‘yung… we’re expecting everything,” pagtatapos ng naturang political analyst.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy