Una sa Balita

91-anyos na pa-sabungan, may P1.5M sa bulsa

By
0 142

Nakabalik na sa kanyang pamilya ang isang 91-anyos na lolo matapos itong makitang pagala-gala sa Mandaluyong City na may dalang lagpas P1.5 milyong halaga ng peso at dollar bills sa bulsa.

Una nang dinala ng mga nakatagpong concerned citizen ang matanda sa police station ng Mandalu­yong na agad namang nakipag-ugnayan sa ­Pasig City Police matapos makita ang dalang ID ng matandang hindi na kinilala pa. Pero bago pa ­makita ang ID ng matanda na may address na Pasig City, nakita muna ng mga nakapulot dito at pulisya ang mga perang nasa loob ng mga bulsa ng matanda.

Nang bilangin ang pera, halos 300 piraso ng US$50 at US$100 bills ang nakuha rito na aabot sa P1.3 milyon. Sa kabilang bulsa naman ay nakita ang 400 piraso ng P500 at P1,000 bills na nasa P276,000 ang halaga.

Nang usisain ang lolo, isinagot nito na pupunta ito sa sabungan kaya siya may dalang pera.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy