90th career title ni Federer

By

Matagal na nagpahinga dahil nagkaroon ng mga injuries at sa kanyang pagbabalik muling ipinakita ni tennis star Roger Federer ang lupit nito sa hatawan.

Pinisak si Stan Wawrinka, 6-4, 7-5, upang sikwatin ang record-tying fifth BNP Paribas Open title sa all-Swiss final noong Linggo (Monday, ­Manila time) at record 18th Grand Slam title sa Australian Open noong ­Enero.

“For me, the dream run continues,” sabi ni Federer.

Ipinaparamdam ni Federer na nagbalik na siya sa kasagsagan ng ATP Master­s 1000 event.

“This was not part of the plan, to win Australia and Indian Wells. The goal was to be top 8 by after Wimbledon, so I’m there much, much ­faster,” pahayag­ ni ­Federer. “I will make the plan for the remainder of the season, ­especially for the clay, ­after Miami, and then see also what the goals are because the goals are clearly­ ­changing after this dream start.”

Tinapatan ni Federe­r ang record ni Novak Djokovic habang ang 90th ­career title nito ay pangatlo kina Jimmy Connors at Ivan Lendl sa all-time list ng Open era.

Sa edad na 35 years at seven months, nagin­ pinakamatandang ­kampeon si Federer sa desert tournament’s ­history, ­inungusan nito si ­Connors na 31 taon at limang buwan noong 1981.

“It’s an absolute huge start to the year for me,” ani Federer. “Last year didn’t win any titles. The change is dramatic and it feels great.”


SHARE