Una sa Balita

9,000 bagong iskolar ng DOST

0 387

Inanunsiyo na ang mapapalad na 9,788 graduating senior high school student na pasok sa mga scholarship program ng Department of Science and Technology – Science Education Institute (DOST-SEI).

Kabilang rito ang 5,917 na pumasa sa ilalim ng RA 7687 Scholarship Program, na para sa mga iskolar sa economically-disadvantaged families; samantala, 3,871 naman ang napabilang sa ilalim ng DOST-SEI Merit Scholarship Program.

Ang mga pumasa ay tatanggap ng mga bagong S&T scholar ng ₱7,000 buwanang allowance, hanggang ₱40,000 na tuition fee subsidy kada academic year sa mga nasa private school; book allowance; MS/PE clothing allowance; isang economy-class roundtrip fare kada taon sa mga nag-aaral sa labas ng kanilang home province; thesis allowance; at group accident insurance.

Record-high ang 102,526 bilang ng mga examinee sa 2020 DOST-SEI Undergraduate Scholarship Examination, na ginanap noong Oktubre 20, 2019 sa 347 test center sa buong Pilipinas.

“This scholarship program is certainly a package of opportunities as qualifiers, especially those who are underprivileged, will get to continue their education in leading universities and colleges,” wika ni DOST-SEI Director Dr. Josette Biyo sa kanilang website. (Riley Cea)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More