Una sa Balita

90 percent ng COVID case dala ng taong may sintomas – WHO

0 388

Ang mga taong may sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang malakas makahawa sa ibang tao, ayon sa kinatawan ng World Health Organization (WHO).

Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe, 90 percent ng COVID case sa buong mundo ay dahil sa pagkahawa sa mga taong dinapuan ng coronavirus.

“Almost 90 percent of the disease is transmitted by a symptomatic people,” wika ng kinatawan ng WHO.

Bagaman nakakahawa rin ang mga taong asymptomatic, aniya, mahina naman ang virus na naililipat.

Kabilang sa mga sintomas ng coronavirus ay ang lagnat, malimit na pag-ubo, hirap sa paghinga at pagkakaroon ng trangkaso.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More