Una sa Balita

90 empleyado nawawala

0 267

MAHIGIT sa 90 empleyado ng Chuzon supermarket sa Porac, Pampanga ang patuloy na nawawala at hinihinalang natabunan ng gumuhong istraktura, ayon kay Vice Governor Dennis Pineda na kasama sa mga nangasiwa sa agarang rescue ope­ration ilang oras makaraan ang magnitude 6.1 lindol noong Lunes nang hapon.

Habang sinusulat ang balitang ito, apat na bangkay ang nakuha sa guho habang waloang nahukay nang buhay.

Ayon kay Pineda, mahigit sa 90 ang manggagawa sa Chuzon at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin mabatid ang bilang kung ilan ang nakaligtas o ilan ang na-trap sa nag-collpase na structure. “We advised the ma­nagement to tell the survivors to report and be counted as alive,” sabi ni Pineda.

Hiniling din niya sa mga alkalde ng bayan ng Apalit, Sto. Tomas at Guagua na pansamantalang isara ang ibang sangay ng Chuzon upang matiyak ang kaligtasan ng mga gusali nito.

Pormal nang isinailalim sa state of calamity ang mga bayan ng Porac, Floriablanca, Guagua, Sasmuan, Lubao at Sta. Rita, Pampanga.

Samantala, hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang may-ari ng Chuzon supermarket na si Mr. Chu.

Sa pinakahuling report, nasa custody ng Porac Municipal Station si Chu at iniimbestigahan kung may pagpapabaya o negligence ito sa nangyaring pagguho ng pag-aaring supermarket dulot ng magnitude 5.7 lindol na ikinasawi ng 16 katao. (Rudy Abular/Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy