Una sa Balita

90 days suspension sa 3 opisyal ng DA-Davao

By ,
0 1,013

Suspendido ng 90 araw ang tatlong opisyal ng Department of Agriculture, Regional Field Unit XI ng Davao City dahil sa kinakaharap nitong kasong paglabag sa Section 3(e) at (g) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019).

Sina Senior Agriculturists Melani Provido at Isabelita Buduan, at Administrative Officer Marie Ann Constantino ay pawang pinatawan ng 90 araw na suspensiyon ng Sandiganbayan.

Sa ilalim ng Section 13 ng R.A. 3019 nakasaad na sinumang incumbent officer na nahaharap sa isang kasong kriminal ay nararapat na suspendihin habang nakabinibin at nililitis ng korte ang kaso.

Abante Hiring – IT dep

“Section 13 of R.A. No. 3019 is very straightforward. It is a preventive suspension, not a penalty, and its purpose is to prevent the accused public officer from hampering the prosecution by intimidating or influencing witnesses, tampe­ring with documentary evidence, or committing further acts of malfeasance while in office,” paliwanag ng Sandiganbayan.

Una nang napatunayan ng Office of the Ombudsman na ang mga akusado ay pumasok sa isang maanomalyang kontrata sa FKA Agri-Chemical para sa pagbili ng 38 drums ng disinfectant na nagkakahalaga sa P3,040,000.00, ga­yong may mas mababang pang bid mula sa iba qualified bidder na nagkakahalaga lamang sa P2,647,308.00.