Una sa Balita

90-days amnesty sa mga OFWs sa Saudi

By
0 3

Tiniyak ang ayuda ng pamahalaan sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na tatamaan ng ibinabang 90-days amnesty ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA) sa mga overseas workers na walang kaukulang dokumento.

Magkakatuwang ang mga ahensya ng Pilipinas tulad ng Philippine Embassy, Philippine Overseas Labor Office (POLO), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para matiyak kaukulang tulong sa mga undocumented OFWs.

Nagpadala na si DOLE Secretary Silvestre H. Bello lll ng mga tauhan sa KSA para alamin ang kondisyon ng mga manggagawang Pinoy hanggang sa tuluyang makabalik ang mga ito sa bansa ng walang aberya.

Sakop ng nasabing amnestiya ang mga Filipino na ang iqama ay nag-expire bago at matapos ng Marso 19, 2017; mga manggagawang may work permit subalit walang iqama ID card; mga runaway workers at ang mga Umrah at Haj overstayer (pilgrimage), pilgrims without Haj permit; at mga tinawag na ‘inflitrators’ na tuwawid sa Saudi borders.

“Once documentations are processed, OWWA Manila will extend airport assistance to returning workers. OWWA will issue announcements on the batch of returning workers that applied for the amnesty,” ayon sa DOLE.