Una sa Balita

90-anyos mula Guimaras nakatapos ng high school

By
0 298

MASAYANG tinanggap ni Jose Gaitan Gandecela ng Guimaras ang kanyang diploma noong Nobyembre 17 nang makatapos sa pag-aaral ng high school.

Hindi pangkaraniwang mag-aaral si Gandecela dahil siya ay 90-anyos na, may pitong anak at 17 apo.

Lahat ng kanyang mga anak ay nakapagtapos ng kolehiyo at matagumpay na sa kani-kanilang propesyon.

Pangarap ni Jose na makapagtapos ng high school kaya’t kahit matanda na ay sumalang sa accreditation and equivalency (A&E) test ng Alternative
Learning System (ALS) ng Department of Education. Ang programa ay idinesenyo para sa isang katulad ni Gandecela na hindi nakakapasok sa eskuwelahan.

Sa kabila ng katandaan, pinatunayan ni Gandecela na matalas pa rin ang kanyang pag-iisip nang makakuha ng passing rate na 81.60.

Naging instant celebrity si Gandecela sa kanyang bayan at inaalay niya ang kanyang tagumpay sa namayapa niyang asawa na namatay sa colon cancer.

Nabatid na ang namayapa niyang asawa ang nag-engganyo sa kanya na kumuha ng ALS upang makamit ang pangarap na makapagtapos ng high school.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy