Una sa Balita

9 todas sa tigdas

0 177

UMABOT sa siyam ang patay sa naitalang 201 la­boratory confirmed na sakit na tigdas sa lalawigan ng Pangasinan mula Enero 1 hanggang Agosto 5 ngayong taon, ayon sa Pangasinan Provincial Health Office (PPHO).

Kinumpirma ito ni PPHO officer Dr. Anna Ma. Teresa de Guzman at sinabing ang mga bayan na may kumpirmadong patay dahil sa sakit na tigdas ay Bani, Villasis, Bolinao, San Fabian at Bautista, at mga siyudad ng Dagupan and San Carlos. Ang bayan ng Mangaldan ay may naitalang dalawang casualty ng tigdas.

“The total number of suspected cases from Ja­nuary to August 5 is 1,323, higher than the 179 suspected cases with one casualty on the same period last year,” sambit ni De Guzman.

Ang mga bayan at siyudad na binabantayan ng PPHO dahil sa mataas na bilang ng mga measles case ay Dagupan City na may 176 na kaso ng tigdas; San Carlos City, 113; Calasiao, 86; Lingayen, 86; Alaminos City, 76; Malasiqui, 69; Bugallon, 62; Binmaley, 55; Sta. Barbara, 47; San Fabian, 45; Umingan, 45; at Bayambang, 45.

Samantala, naglunsad ang Departnment of Health-Region 1 (DOH-R1) ng school-based immunization program sa Dagupan City na umabot sa mahigit na 200 kindergarten at grade 1 pupil ay binakunahan kontra tigdas, diphtheria at anti-cervical cancer.

Ayon kay Cardenas, ang ‘Back to Bakuna, Una sa Lahat Bakuna’ ng DOH ay pinalawig sa lahat ng komunidad sa pamamagitan ng bakuna para maibalik muli ang tiwala ng mga residente para sa immunization program. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy