Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

9 todas sa hagupit ni `Maring’

0 98

SIYAM na ang naiulat na patay sa pananalasa ng Bagyong Maring, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sinabi ng NDRRMC na ang tatlong namatay ay dahil sa landslide sa Central Ambiong sa La Trinidad, Benguet. Mayroon din umanong namatay sa isa pang landslide incident, at ngayon naman ay sa Ampucao, Itogon, Benguet.

Sa Claveria, Cagayan, nalunod umano ang isang lalaki sa Narra, Palawan. May report din na may apat na namatay sa lugar.

Nilinaw ng NDRRMC na bina-validate pa nila ang mga ulat.

Samantala, dalawang tao ang sugatan sa Buguias, Benguet, at Itogon, Benguet, ayon sa NDRRMC.

Mayroon ding tatlong nawawala sa landslide incident sa Dominican Mirador sa Baguio City.

Sa Central Ambiong sa La Trinidad, dalawa ang nawawala kasunod rin ng landslide.

Landslide din ang dahilan sa nawawalang tao sa Tuding, Itogon, Benguet.

Sa Badoc, Ilocos Norte, isang tao din na missing ang pinangangambahang nalunod. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.