Una sa Balita

9 todas sa bagyong Jebi sa Japan

By
0 144

Hinampas ng malakas na bagyo ang Japan nitong Martes nang hapon, kung saan siyam ang iniulat na namatay at marami ang sugatan.

Sa lakas ng hangin­g umaabot ng 180 kilometro bawat oras, maraming kabahayan at establisimyento ang natuklap ang bubong, bumaligtad na trak sa tulay at bumunggong oil tanker sa tulay patungong Kansai International Airport.
Ito na ang pinama­lakas na bagyong tumama sa Japan sa nakalipas na 25 taon.

Higit sa 700 flight ang kinansela, suspendido rin ang takbo ng bullet train mula Tokyo patungong Hiroshima bagama’t bumalik din ang operasyon noong Martes nang gabi.

Higit sa 1.6 milyong kabahayan ang walang kuryente sa Osaka, Kyoto at apat pang kalapit na prefecture, ayon sa Kansai Electric Power Co.

Inabot ng storm surge ang Kansai International Airport, itinayo sa isang artificial island sa Osaka Bay, kaya’t binaha ang runway, cargo storage at iba pang pasilidad kaya’t ipinag-utos ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism ang shutdown ng paliparan. (AP)