Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

9 pulis swak sa tinumbang mayor

0 183

Sasampahan ng kasong kriminal ng Department of Justice (DOJ) ang 9 miyembro ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa pagpaslang kay Calbayog City, Samar Mayor Ronaldo Aquino, at ilan niyang staff noong Marso, 2021.

Ayon kay DOJ Spokesperson Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, tapos na ang preliminary investigation ng panel of prosecutors at ipinasya na sampahan ng kasong murder sa korte sina Lt. Col. Harry Sucayre, Maj. Shyrile Tan, Capt. Dino Goles, Lt. Julio Armeza Jr., Staff Sgt. Neil Cebu, Staff Sgt. Edsel Omega, Staff Sgt. Randy Merelos, Cpl. Julius Garcia, Pat. Niño Salem at ilang John Does.

Ang nabanggit na mga pulis ay kinasuhan ng murder sa pagpatay kay Aquino, security aide na si Staff Sgt. Rodeo Sario, driver na si Dennis Abayon, at isang dumaraan na sibilyan na si Clint John Paul Yauder.

Bukod pa sa kasong frustrated murder sa isa pang security aide ng alkalde na si Mansfield Labonite.

Nabatid sa inilabas na joint resolution ng DOJ noong Disyembre 15 na inilabas lamang nitong Enero 19 si Aquino at kanyang aides ay tinambangan ng mga akusado sa Labuyao bridge, Calbayog City noong Marso 8, 2021.

Nabatid na ang counter-charges na murder, frustrated murder at attempted murder ay isinampa rin laban sa anak ng alkalde na si Ronald Mark Aquino at Cpl. Ramil Rosales ay idinismis gayundin ang reklamo kay Ronald Mark na grave threats.

Sinabi rin ng prosecution na ang affidavit ng lone witness sa kaso na si Master Sgt. Jose Jay Senario ay “unre¬liable” kung saan nalagay sa alanganin ang kanyang kredibilidad.

Si Senario ay iprinisinta sa pagdinig ng Senado bilang testigo ng pamilyang Aquino kung saan sinabi niya na nakipagsabwatan siya sa ilang police officers at sa karibal sa politika ni Aquino para sa gawa-gawang report na sangkot sa ilegal na droga ang alkalde. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.