Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

9 PNP general sa drug trafficking sinibak na – DILG

0 76

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na natugunan na nila ang isyu hinggil sa siyam na high-ranking police officials na sinasabing sangkot sa illegal drug trade na binanggit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang huling State of the Nation (SONA) nitong Lunes.

Ayon kay Año, natanggal na sa serbisyo ang mga naturang opisyal noon pang 2016 at inimbestigahan na sa kanilang drug connections. Nahaharap na rin aniya ang mga ito sa mga kasong kriminal sa hukuman.

“Matagal na natin na-address ‘yan… yung PNP generals, wala na sa serbisyo lahat ‘yun. ‘Yung iba may mga kaso pang hinaharap,” ani Año.

Sinabi rin ni Año na ang mga local government officials gaya ng mga gobernador at mga alkalde ay nasampahan na rin ng mga kasong administratibo at kriminal dahil rin sa kanilang pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Kaungya nito’y ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang malalimang imbestigasyon sa siyam na narco-generals.

“Iimbestigahan nating mabuti ang bagay na ito. Aalamin at tutukuyin natin ang matataas na opisyal sa PNP na sinasabing sangkot sa iligal na droga,” pahayag ni Eleazar sa kanyang statement kahapon.

Sinabi naman ni Surigao del Norte Representative Robert “Ace” Barbers na hihingi siya ng Congressional Inquiry sa kaso ng siyam na police generals na sangkot umano sa kalakalan ng iligal na droga. (Dolly Cabreza/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.