Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

9 namatay sa ‘Linggo ng Pagkabuhay’

0 37

Patay ang siyam na katao mula sa Caloocan at Malabon City, dulot pa rin ng coronavirus (COVID-19), sa katatapos na ‘Easter Sunday’.

Lima ang iniulat na binawian ng buhay mula sa Caloocan City, na nakapagtala ng 1,233 active case, simula kahapon.

Sa rekord ng City Health Department (CHD), umabot na sa 18,994 ang bilang ng confirmed case ng COVID-19 sa Caloocan City at nakapagtala sila ng 19,199 na naka-recover sa nasabing sakit kung saan 562 na ang binawian ng buhay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Apat naman katao ang iniulat na nasawi sa Malabon City, base na rin sa report ng City Health Office (CHO) sa katatapos na ‘Pasko ng Pagkabuhay’.

Umakyat sa 193 ang nadagdag na confirmed case ng COVID-19 sa kabuuang 9,948 na tinamaan ng sakit. 1,125 dito ang aktibo at 339 naman ang binawian ng buhay.

Nadagdagan naman at nasa total na 112 na pasyente ang gumaling mula sa 8,384 patient sa lungsod. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.