Una sa Balita

9 nakalawit sa Cavite

By
0 5,408

Siyam katao ang naaresto sa isinagawang­ buy-bust operation ng Gen. Trias Component Police Station sa Cavite, pasado alas-11:00 kamakalawa ng gabi.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Sec 5, 6, 11, & 13 in relation to Sec 26 Art 2 ng RA 9165 (Illegal Drugs) at violation of RA 10591 (Illegal Firearms) ang mga suspek na sina Arnel Saria y Sinalubong, Ellen Hilario, Eddie Dorico, Augusto Delos Reyes, Francis Seda, Reyven Apura Mark Junar Palomar, Kevin Lunday at Eugene Poniente.

Ayon sa pulisya, ina­resto si Arnel Saria matapos makapagbenta ng isang pakete ng shabu sa poseur buyer kasama si Ellen Hilario kung saan ay nabisto rin ang pot session sa loob ng bahay ni Saria sa Brgy. Bacao 2 ng nasabing lungsod.

Inamin rin ni Saria na puwestuhan ng mga bumabatak ng droga ang kanilang lugar, may ilang buwan na rin ang nakakaraan, katunayan,­ ilan sa mga naarestong suspek ay mula pa sa Cavite City, Kawit Cavite at Imus City.