Una sa Balita

9 na tres ni Enciso nagpalakas sa Alaska

By
0 461

ISA-ISANG tira lang si Simon Enciso, pero maya’t maya naman.

Kamukat-mukat mo, may siyam na 3-pointers na pala siya para ilatag ang pundasyon ng dambuhalang 125-96 win ng Alaska kontra TNT KaTropa sa Smart Araneta Coliseum Linggo nang gabi.

Nilista ng Aces ang 2-0 card sa PBA Governors Cup, kabuhol sa early lead ang Phoenix na makakabasagan nila sa Miyerkoles sa Big Dome din.

Abante Hiring – IT dep

“I just take it one shot at a time,” anang Fil-Am guard.

Sa mga naunang laro ay hindi makaporma sa labas ng arc si Enciso, pero hindi siya nasiraan ng loob.

“I don’t think of what happened before,” giit niya. “I just stay in the present.”

Tumapos si Enciso ng 9 for 12 mula sa rainbow country tungo sa career-high 30 points sa loob lang ng three quarters. Hindi na siya ipinasok ni coach Alex Compton sa final 12 minutes dahil malayo na ang Aces 103-68 papasok ng fourth.

Ang 9 triples ni Enciso ang pinakamarami sa isang PBA game sapul nang maka-siyam din si Stanley Pringle noong June 22 kontra Columbian Dyip. Sa larong ‘yun ay naka-50 points ang NorthPort guard.

Nagpakawala pa si Chris Banchero ng record ding 14 assists, pinakarami sapul nang mamigay ng 16 si Scottie Thompson sa Game 5 ng Commissioner’s Cup semis ng Philippine Cup noong March 17 kontra San Miguel.

Pinatikim sa TNT ang pinakamasagwang talo pagkatapos ng 105-73 loss sa Rain or Shine sa Governors Cup noong Aug. 20, 2017.