Una sa Balita

9 migrant dedo sa dehydration, heat stroke

By
0 116

Siyam na pinaniniwalaang mga migrants ang nasawi, matapos silang isiksik sa masikip at mainit na trak na natagpuan sa isang Walmart parking lot sa Texas, at 30 iba pa ang isinugod sa hospital na itinuturing ng mga pulis na isang ‘horrific’ human trafficking crime.

Labingpito sa mga dinala sa mga ospital ay nasa kritikal na kondisyon, na dumanas ng heat stroke at dehydration.

Tinatayang 39 katao ay nasa trailer, kasama ang isang tao na huling natagpuan sa kalapit na magubat na lugar, ayon sa ipinalabas na pahayag ng federal prosecutors.

Ang dalawa dito ay pinaniniwalaang batang mag-aaral, ayon kay Fire Chief Charles Hood.

Hindi malinaw kung ilan ang hinihinalang mga migrants na posibleng tumakas.

Sinabi ni City police chief William McManus sa CNN, karamihan sa mga nasawi ay mga matatandang lalaki.

 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy