Una sa Balita

9 huli sa shabu session

By
0 1,243

Nasa siyam na mga drug personalities ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya sa isinaga­wang anti-drug operations sa magkaibang lugar sa Lungsod ng Caloocan kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Caloocan City Police, ganap na alas-7:30 ng umaga nang magsagawa ng ope­rasyon ang Station Drug Enforcement Unit sa Sta. Rita, Brgy. 188, Tala ng nasabing lungsod matapos na makatanggap ng tawag mula sa concerned citizen hinggil sa kasalukuyan noong nagaganap na paggamit at bentahan ng ipinagbabawal na gamot.

Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad sa lugar kung saan ay agad na naaresto si Arnold Palacio alyas Pidyong, 28-anyos sa isinagawa nilang buy-bust operation laban dito. Hinalughog ng pulisya ang bahay ng suspek ay doon na nila naaktuhan ang iba pang mga suspek na nagsasagawa ng pot session, kinilalang sina Allan Richard Frias, 31-anyos; Junmel Lalisan, 28-anyos; Bernanrdo Yba, 25-anyos na pawang mga taga nasabing lugar din.

Abante Hiring – IT dep

Narekober sa mga ito ang nasa apat na mga plastic sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphenalias at isang P500 na marked money.

Samantala, isa pang bahay sa lugar ang sina­lakay kung saan naaktuhan ang tulak na si Faizal Panundi, 32-anyos.

Nahuli rin sa akto ng pot session ang apat na sina Emmel Dela Pena, 23-anyos; Edither Alcantara, 23-anyos; John Paul Dela Peña, 19-anyos at Edcel Daque, 21-anyos na napag-alamang mga nasa drugs watch list din ng pulisya.