Una sa Balita

9 Euro general absuwelto sa katiwalian

0 496

LUSOT na sa kasong graft at technical malversation ang siyam na matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na binansagang ‘Euro Generals’ matapos ibasura ng Sandiganbayan ang kaso laban sa mga ito dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya.

Sa 55-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Second Division, sinabi nito na nabigo ang prosekusyon na patunayan beyond reasonable doubt ang kasong isinampa laban kina Police Major General Eliseo Decena Dela Paz, dating PNP Comptroller; Police Colonel Tomas Rentoy III, Police Lieutenant General Ismael Rafanan, Police Brigadier General Orlando Pestaño, Police Lieutenant Colonel Samuel Rodriguez, Police Lieutenant General Emmanuel Carta, Police Lieutenant Romeo Ricardo, Police Major General German Doria at Police Major General Jaime Garcia Caringal.

Kasabay ng kautusan ay iniutos ng graft court na alisin na sa Hold Departure Order (HDO) ang pangalan ng mga akusado gayundin ang pagbabalik sa kanilang bail bonds.

Matatandaan na nag-ugat ang kaso nang makumpiska kay Dela Paz at asawa nito ang may 105,000 euros (P6.9 milyon) at P2.9 milyon na pawang hindi nila ideneklara nang magtungo sa Russia noong 2008.

Ikinatuwiran ni Dela Paz na ang pera ay travel at contingency fund ng kanilang delagasyon na dumalo sa 77th INTERPOL General Assembly sa Russia. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More