Una sa Balita

9 Chinese national buking sa bodega ng pekeng produkto

0 208

SINALAKAY kahapon ng mga tauhan ng Pasay City Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang isang compound dahil sa pag-o-operate nang walang kaukulang permit mula sa pamahalaang lungsod sa Taft A­venue, Pasay City.

Dakong alas-10:00 nang umaga nang ihain ng mga tauhan ng BPLO ang closure order sa dalawang apartment na inuupahan ng isang Ivan Co, isang Hong Kong National kay Tess Rivera.

Pagpasok sa loob ng compound, dito tumambad sa mga operatiba ang bodega na iniimbakan ng mga pekeng produkto tulad ng pabango, T-shirt at mga pagkain na pawang may nakasulat na Chinese characters.

Isa pa sa nadiskubre ang isang kuwarto na hinihinalang isang online gaming ng mga Chinese national.

Samantala, pitong lalaki at dalawang babae na pawang mga Chinese national ang kabilang sa inimbitahan ng mga pulis dahil sa walang maipakitang kaukulang dokumento para sa kanilang pagtratrabaho sa bansa.

Bukod pa dito, ilan sa mga naimbitahang dayuhan ay walang tatak ng immigration ang kanilang pasaporte pagdating sa Pilipinas.

Dahil dito, humingi ng ayuda ang BPLO sa mga awtoridad ng Pasay City Police at dito ay inim­bestigahan ang nasabing compound kabilang na ang mga Chinese national na nagtatrabaho sa nasabing online gaming.

Nag-ugat ang pagpapasara makaraang magreklamo si Rivera na umano’y tagapagmana ng nasabing compound na lingid sa kanyang kaalaman ay pinaupahan ni Co at ginawang bodega ng mga kontrabando at online gaming. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy