Una sa Balita

9 centenarian ng CDO, tumanggap ng tig-P200K

By
0 310

SIYAM na centenarian ng Cagayan de Oro City ang binigyan ng tig-P200,000 noong Martes sa pagtatapos ng selebrasyon para sa National Elderly Month.

Kabilang sa tumanggap ng biyaya ay si Dipa­yongan Macasimbar, 105-anyos, at itinuturing na pinakamatandang nabubuhay sa lungsod.

Ang siyam na centenarian ay tumanggap ng P100,000 alinsunod sa Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016, at karagdagang P100,000 mula sa city government.

Bukod sa pera, nakatanggap din ng ‘letter of felicitation’ mula sa Office of the President ang mga centenarian.

Kung ang centenarian ay namatay, ang pinakamalapit niyang kamag-anak ang tatanggap ng cash grant at posthumus plaque of recognition.

Tinatayang 2,000 opisyal at miyembro naman ng iba’t ibang chapter ng senior citizen organizations na nagtipon-tipon sa Limketkai Center, ang tumanggap ng rekognisyon mula sa siyudad at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy