Una sa Balita

9 bumulagta sa isang linggong drug raid sa NE

0 384

SIYAM na hinihinalang mga tulak ng droga ang napatay sa loob ng isang linggong magkakasunod na anti-illegal drug buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Nueva Ecija.

Batay sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Leon Victor Rosete, acting NE police director, nakilala ang mga nasawi na sina Edu­ardo Villavicencio Tobias, residente ng Purok 3. Brgy. MS Garcia; Almarcelino dela Cruz Quimson ng Brgy. Talipapa, kapwa sa Cabanatuan City; Ferdinand Avilla Lising, residente ng Brgy. San Roque, Guimba; Jojo Magla­lang Galang, 44, residente ng Purok 2, Brgy. Aquino, Licab; Zandro Martinez Manlapaz, 46 at Mario Nazar Villo, 46, kapwa residente ng Brgy. Bakal 2, Talavera, Nueva Ecija.

Pinakahuling nadale nina Jaen P/Chief Insp. Erwin Ferry si Mario Lictawa ng Sto. Rosa, Nueva Ecija at sa San Isidro si Joel Agustin, 39, residente ng Cabanatuan City.

Napatay din sa Brgy. San Fernando Sur, Cabiao ng mga operatiba ni P/Chief Inspector Rico Cayabyab si Joel Hipolito, 44, alias Jigs, ng naturang lugar nitong Huwebes.

Sa Brgy. Poblacion II, Penaranda nakaenkuwentro noong Miyerkoles nang mada­ling-araw nina P/Sr. Inspector Danilo Liberato si Tobias na nakatala sa drug watch list ng Cabanatuan City Police.

Aabot sa 15 sachet ng shabu ang nakuha kay Galang na napatay sa Purok Mampulog, Brgy. Bitas, Cabanatuan City.
Ayon kay P/Supt. Ponciano Zafra nakarekober din ng isang caliber .38 revolver at sasakyang SUV na may plakang APA 6426 sa napatay.

Nakaenkuwentro naman nina P/Chief Inspector Ronnie Caagbay si Quimson sa Brgy. Platero, Gen. Natividad samantalang sa Brgy. San Roque, Guimba naman nadale si Lising nina SPO2 Derwin de Gracia nitong Martes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy