Una sa Balita

#9 Bokya vote ni Lacson: Senatoriable promotor ng fake news

By
0 1,503

MAY isang kandidato sa pagka-senador ang promotor ng fake news sa kampanya, ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Sa ika-siyam na tweet niya tungkol sa kandidatong hindi niya iboboto sa May 13 midterm elections, binanggit ni Lacson na despe­rado ang kandidato na manalo sa darating na halalan.

Wala aniyang pakialam ang kandidatong hindi niya pinangala­nan kung totoo o hindi ang lumalabas sa kanyang bibig dahil ang importante ay may media coverage.

Tiyak umanong hindi ito gumagamit ng google upang beripikahin ang mga pinagsasabi nito sa publiko.

“Candidates who won’t get my vote – Candidate No. 9: The more he talks, the more we learn about fake news. He needs to win badly so he doesn’t care if he talks fact or fake as long as there is media coverage. His worst nemesis: google,” ayon sa tweet ni Lacson.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy