Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

9 bebot na ‘suicide bomber’ nakorner sa Sulu

0 103

Napigilan ng pinagsanib na pwersa ng Joint Task Force–Sulu at Philippine National Police ang tangkang pagpapasabog ng mga suicide bomber nang maaresto ang siyam na babae na may kinalaman sa Abu Sayyaf Group (ASG).

Sinabi ni Joint Task Force – Sulu Commander MGen William N Gonzales, siyam na babae ang kasalukuyan nilang hawak dahil sa pagdadala ng mga materyal na pampasabog.

Kabilang sa mga inaresto sina Jalmaani Abduhajan, 36; Jedah Abduhajan Amin, 28; at Elena Tasum Sawadjaan-Abun, 40, pawang mga anak ni yumaong ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan.

Nakuha sa kanila ang ilang improvised explosice device component habang sinilbihan ng warrant of arrest sa Brgy. Bangkal, Patikul.

Si Elena naman na asawa ng namatay na ASG sub-leader Walid Abun, ay inaresto sa Kalimayahan Village, Brgy. Latih, kasama ang suspected potential suicide bomber na si Firdauzia Said alyas Firdausia Salvin, asawa ng namatay na ASG sub-leader Mannul Said.

Sa operasyon naman sa Brgy. Tulay, Jolo, Sulu, naaresto ang umano’y mga potential suicide bomber na si Nudsza Ismanu Aslun, asawa ng ASG member na si Alias Jabar, at si Nurshahada A. Isnain, asawa ng ASG member alyas Akram, na isa sa mga kilalang tagasunod ni ASG sub-leader Mundi Sawadjaan.

Naaresto din sina Linda Darun Maruji, Risa Jhalil, at Sharifa Rajani na nakatira sa Kalimayahan village, Brgy. Latih, Patikul, Sulu. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.