Una sa Balita

9 bala ibinaon sa pulis

By
0 143

SAN NICOLAS, Ilocos Norte — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang pulis sa harapan ng kanilang bahay sa San Nicolas, Ilocos Norte.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Provincial Director Senior Supt. Jose Melencio Nartatez, Jr. ang biktimang si SPO1 Perfecto Joaquin ng Brgy. San Pablo sa nasabing bayan.

Batay sa paunang imbestigasyon ng PNP, ang biktimang si Joaquin ay nasa harapan ng kanilang bahay nang ito’y pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Nakarekober ang mga kagawad ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng siyam na basyo ng kalibre .45 sa pinangyarihan ng krimen.

Ang naturang pulis ay nakadestino sa A­dams, Ilocos Norte isa sa pinakaliblib na bayan ng Ilocos Norte.

Tumanggi ang PNP na magbigay ng komento sa motibo ng nasabing krimen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More