Una sa Balita

9 arestado sa Cebu drug den

0 321

ARESTADO ang siyam katao kabilang ang maintai­ner ng bahay na ginawang drug den nang salakayin ng mga tauhan ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) sa isinagawang drug raid sa Talisay City, Linggo nang madaling-araw.

Nabatid na nadakip ang mga suspek sa loob ng bahay sa Sitio San Miguel, Barangay Linao sa nasabing lungsod na pag-aari ni Maclin Maneja, 44-an­yos.
Sa bahay umano ni Maneja nagaganap ang bentahan at paggamit ng iligal na droga ng mga parok­yano nito.

Halos isang buwan umanong isinailalim sa surveilance Si Maneja bago ito nadakip sa isinagawang operasyon kasama ang kanyang pinsan na si Jake Maneja, 27, at pitong iba pa na sina Jomar Barliso, 29; Rolando Rocaberte, 31; Juncel Villejo, 30; Eric Vistal, 34; Christian Regis, 41; Welbert Cañedo, 32; at Rose Marie Omagbon, 24.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang large at medium pack, kasama ang 15 plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 20 gramo at may street value na P136,000.

Nakakulong na ang siyam na naaresto sa detention cell habang inihahanda ang kakaharaping kaso ng mga ito kaugnay sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy