Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

9 akusado sa Jolo rubout damputin – Sulu judge

0 147

Inutos ng isang hukom sa lalawigan ng Sulu na arestuhin ang siyam na pulis na akusado sa pagpaslang sa apat na sundalo sa Jolo noong Hunyo 2020.

Nabatid kay Prosecution Attorney Honey Delgado, tagapagsalita ng Office of the Prosecutor General, nakatakda rin dingin ang mosyon para sa hold departure order (HDO) laban sa mga akusado sa Biyernes.

Nalaman na naantala ang pag-iisyu ng HDO ng hukom dahil sa lockdown na ipinatupad sa Jolo mula Enero 4 hanggang Enero 17 para mapigilan ang pagpasok ng UK variant malapit sa Sabah, Malaysia.

Layon ng HDO na hindi makalabas sa bansa ang mga akusado

Kabilang sa mga akusadong pulis ay sina Senior Master Sergeant Abdelzhimar Padjiri, Master Sergeant Hanie Baddiri, Staff Sergeant Iskandar Susulan, Staff Sergeant Ernisar Sappal, Corporal Sulki Andaki, Patrolman Mohammad Nur Pasani, Staff Sergeant Almudzrin Hadjaruddin

Patrolman Alkajal Mandangan, at Patrolman Rajiv G. Putalan. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.