Una sa Balita

9 adik nabitag

By
0 81

Siyam na katao, kabilang ang dalawang­ menor-de-edad, ang dinampot ng mga opera­tiba ng Drug Enforcement Unit ng Kawit Municipal Police Station, makaraang mabitag sa buy-bust at maaktuhan ang iba pa na nagpa-pot session.

Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni Police Chief Insp. Dhefry Punzalan, dakong alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang ilarga ang buy-bust ops sa Barangay Batong Dalig, Kawit, Cavite, laban sa mag-anak na sina Jhoncel Mancilla, Jun Juvie Mancilla at Joanne Mancilla, nakumpiska sa tatlo ang labing isang plastic sachet ng shabu at P200 buy-bust money.

Bago naaresto ang tatlo ay tinangka pang tumakbo ng mga ito, na nagresulta naman sa pagkakadiskubre sa mga nagpa-pot session na sina Ronnie Manucay, Algen Diaz, Maria Isabel Gumba, dalawang menor-de-edad na sina ‘Timmy’ at ‘Daisy’, pati na rin ang may-ari ng bahay na nagsilbing drug den na si Noel Mancilla

Nakumpiska sa mga suspek ang (4) improvised aluminum foil tooter na may shabu residue, (2) aluminum foil strips, (2) unsealed transparent plastic sachet at (2) disposable lighter.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy