Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

9.5 degree celcius naitala sa Benguet

0 89

Nasa 11 degree celcius ang temperatura kahapon sa Baguio City habang naitala ang pinakamababang temperatura na 9.5 degree celcius, Lunes sa Benguet Province.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa hanging Amihan ay patuloy na makakaranas ng malamig na panahon hanggang sa susunod na buwan.

Sa monitoring stations ng PAGASA ay nasa 19.0°C ang temperatura sa Laoag; Kalayaan Islands — 24°C; Lipa City — 22°C; Tuguegarao City — 17°C; Legazpi — 24°C; Iloilo City — 22°C; Tagaytay City ay nasa 18 degrees habang sa Metro Manila ay 23 degrees Celsius, bahagyang mataas kumpara sa 21.6 degrees Celsius noong Lunes.

Noong Linggo ay 10.4 degree celcius ang naitala sa Baguio City. (Tina Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.