Una sa Balita

8th win hinambalos nina Blanco, Valdez

0 238

WALANG humpay pa rin ang pananalasa nina Aleoscar Blanco at Alyssa Valdez para sa Creamline Cool Smashers upang giyahan sa 16-25, 25-16, 25-22, 25-16 panalo kontra Pacific Town Army Lady Troopers sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre.

Patuloy pa rin ang paghambalos ng Creamline kung saan nangunguna na ang mga ito sa liderato katambal ang PetroGazz Angels sa parehong 8-1 mark.

Bumida sa opensa ng Cool Smashers si Blanco na may 16 points, 10 mula sa atake, apat na blocks at dalawang service aces.

“Well for our team it’s really a bad first set, for the Army it was a perfect set for them. From the service line, from their attacks, to their floor defense, to their blocking talaga. And our errors were too many talaga,” pahayag ni team captain Alyssa Valdez, kumubra ng 11 points.

Pasabog rin ang performance ni Thai import Kuttika Kaewpin na may 19 points, 16 kills at tatlong blocks kasahog ang 16 excellent digs.

Huling makakatapat ng Creamline para sa pagtatapos ng eliminations ang koponan ng BaliPure Water Defenders sa Sabado, Hunyo 30.

Samantala, bagsak sa 4-5 record ang Lady Troo­pers. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy