Una sa Balita

88K sumugod sa burol ni Mamba

0 405

NASA mahigit 88,000 katao na ang nagparehistro para sa public memorial ni yumaong National Basketball Association legend Kobe Bryant sa loob lamang ng limang oras nitong ­Biyernes sa Los Angeles, California.

Ang problema lang ay kung paano ia-accommodate lahat ng dadalo dahil 20,000 lamang ang kapasidad ng lugar na ­pagbuburulan, ang Staples Center.

Priority sa kasalukuyan ng venue management ang mga kapamilya, opisyal, kaibigan at NBA players para maayos ang daloy ng burol.

Para naman sa mga naghahangad na makasilip sa lamay kasalukuyang binebenta ang ticket online sa halagang 2 para sa $224, at $24.02 naman sa upperdeck na sumiisimbulo ng ‘#02’ para sa anak ni Kobe na si Gigi Marie ‘Gigi’ o ‘Mambacita’.

Namatay sa chopper crash ang mag-amang Bryant – Kobe, 41-anyos, at Gigi, 13-anyos, kasama ang pitong iba pa sa ­Calabasas City, LA, CA nitong Enero 26. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More