Una sa Balita

86-anyos na tulak, nalambat

By
0 2

Dapat 86-anyos na siya bukas (Lunes), ngunit sa loob na ng selda sasalubungin ng lolang tulak ang kanyang kaarawan, matapos maaresto sa Cavite City, sanhi ng pagbebenta nito ng ilegal na droga kamakalawa ng gabi, na hindi naman itinanggi ng suspek.

Nabatid na dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang masakote sa Barangay 36M ang suspek na si Josefina Bernal y Abad (kapatid ni Brgy. Capt. Floristo ‘Pistong’ Bernal ng Brgy. 36M Calumpang, Cavite City), kung saan hindi naman nito itinanggi ang alegasyon.

Inaresto ang suspek sa ikinasang drug operation nina PSI Gilbert Derla ng Cavite City Component Police Station, sa mismong balwarte ng suspek na kilalang lugar ng mga adik at tulak ng ilegal na droga.

Narekober sa suspek ang isang bulto ng shabu na tumitimbang ng humigit kumulang sa limang gramo, nakuha rin ang P500 bill na buy-bust money, nahaharap ito ngayon sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165.